ePEKTO!!!!!

Due to insistent public demand(akala ko lang yun), napilitan akong gawin ang pangalawang artikulong ito. Ito naman ay tungkol sa mga epekto sa kabataan ng maagang pakikipagrelasyon.
Alam nyo, ako ay isa sa mga nag-uumapaw na tagahanga ng telenobelang "Asian Treasures". Dahil dito, naisip ko na ihambing ang paghanap ng true love sa paghanap ng naturang kayamanan. Kubg sa paghanap ng Asian Treasures ay kailangan ng mga clues, sa paghanap naman ng true love ay kailangan ng mga signs(wala lang nasabi ko lang). Well, let's go back t our topic. Ngayon naman ay paghihirapan kong tukuyin ang mga epekto ng maagang pagpasok ng mga "teens" sa isang relasyon. It goes a little something like this:
- Ang teenage love, maari yang makasira sa pag-aaral ng mga "teens". Nasabi ko ito dahil, may mga magsing-irog jan na sa sobrang in-love sa isa't isa, buong araw nang magkasama, pagdating sa bahay, gusto pa laging katext o ka-chat ang isa't isa(wala silang kasawaan sa isa't isa).
Dahil diyan, napapabayaan na nila ang kanilang studies. Ang pagpapabaya nila ay maaaring humantong sa pagkasira ng kanilang kinabukasan.- Sa teenage romance, hindi mawawala ang "break-up", lalo na kung ang dalawang "teens" na may relasyon ay hindi pa masyadong handa para magkaron ng commitment sa isa't isa(o kaya naman ay nagsasawa na sila sa pagmumukha ng bawat isa). Ang break-up na ganyan ay meron ring epekto sa mga "teens". Maaari itong maging dahilan ng pagka-depress ng isang bata...na maaaring sa sobrang depress ay humantong sa "suicide"...(na hindi naman dapat....dahil bukod sa sayang ang lubid na gagamitin nya sa pagbibigti o ang perang ipambibili nya ng lason, higit na sayang ang kanyang buhay....tsk tsk tsk...sayang talaga). Ang depresyong ito na dulot ng break-up ay maaaring ihalintulad sa depresyng mararamdaman nina Gabriella at Elias kapag naunahan sila ni hector sa pagkuha ng "Asian Treasures".