« Home

naIMPLUWENSYAhan ka na ba???!


Dividers


SCENARIO:dalawang highschool students na magkasintahan, nakasakay sa jeep...nagkukwentuhan...nagtatawanan...

GUY: lavidavz, alam mo...blah blah blah blah...hehe
GIRL: talaga??, di nga?? hehehe
GUY: Oo. tapos(bulong)(swishshsh) ahihi
GIRL: hahahahahahahaha
GIRL: naku malapit na pala 'kong bumaba
GUY: ako na ang papara..
GUY: manong para sa tabe...(peeeeeeeeep)
GIRL: bye sweetie...mwahhhh...
GUY: ingatz baby...mwahhhh...

Ganyan!!! ganyan ang senaryong madalas kong makita sa jeep(marahil hindi lang ako, pati siguro kayo). Kadalasan maka-holding hands pa!!(PDA???)..take note highschool students pa lang yan..(hayz, nakakainggit naman sila). Dahil diyan may isang tanong na nabuo sa utak kong NAG-UUMAPAW SA KAALAMAN..ano kaya ang mga bagay na nakakaimpluwensiya sa mga teenagers upang magkaroon ng BF o GF sa mura nilang edad?..hmmm..anu nga kaya?
Ito ang mga bagay na(sa tingin ko) nagtutulak sa kabataan upang pumasok ng maaga sa isang relasyon:
1) CURIOSITY. Marahil sa sobrang pagiging "curious"(mausisa/usisero)nila, akala ng mga "teens" na yan ay scientist sila na nagagawa nilang mag-eksperimento. Nagagawa nilang makipagrelasyon ng hindi alam kung ano ang mga bagay na maaari nilang danasin sa pagpasok nila rito.
Meron namang mga "teens" na sa sobrang curious, ay na-inlove at na-hurt na ng ilang beses at halos alam na ang mga pasikot-sikot pagdating sa love. Sila ang tinatawag na "experts".
2)IMPLUWENSYANG NANGGAGALING SA KAPALIGIRAN. Dito pumapasok ang mga "Frendships" at "Dabarkadz" kung tawagin.
May mga "teens" na nag-iisipna kapag ang kanyang mga amigo at amiga ay may mga kasintahan na, dapat ay magkaroon na rin sila para sila ay maging "in". Meron naman na nagbo-boyfriend o nag-ge-girlfriend dahil lang sa kantiyaw ng kanilang mga dabarkadz.

(,"): Pare, pare, nakikita mo ba yung magandang chickababe na yon?
Kulas: Alin yung naka-red?
(,"): Oo
Kulas: Oo, what do you think of me, blinded?
(,"): Oo,e-este hindi..,kaya mo bang ligawan yon?
Kulas: (nashock) huh?!?
(,"): Ano kaya mo ba? natatakot ka yata eh?
Kulas: ahm...ah..eh..
(,"): anu? natatakot ka? bading ka yata pare eh?
Kulas: Anu ka, hindi noh, gusto mo pasagutin ko yan ng two and a half days lang..
(,"): huuuuuuuh..siga...I'll wait for dat..
Kulas: si-sige...

Nagpapadala sa kantiyaw. Akala nila madali lang ang pinpasok nila. Kung swerte ka, oo madali, paro kung minamalas-malas ka, baka makakuha ka ng syotang "bilmoko", YARI KAH!!, sila yung tipong nakakalimot na "teens" pa lang kayo, kala nya yata ay may trabaho ka na, kaya kung magpabili ng kung anu ano, ganun ganun na lang.
3)Itong susunod na impluwensya ay base sa aking obserbasyon sa loob ng compound na kinatatayuan ng aming munting tahanan.
Sa loob ng compound na ito, may may mag-anak na nakatira malapit sa aming munting tahanan. Sa pamilyang ito, madalas na magkaroon ng giyera sa pagitan ng ilaw at haligi. Hindi naman araw-araw..pero..mmm..madalas talaga. Ito siguro angang dahilan kung bakit nagawang magrebelde ng kanilang panganay na anak. Pero hindi pa rin natapos ang giyera. Ito rin marahil ang nagtulak upang magrebelde rin ang isa pa nilang anak. At pagdating sa pagrerebelde, isang talamak na paraan ang pagkakaroon ng BF o GF sa murang edad at lingid sa kaalaman ng mga magulang. At yon nga ang ginawa ng dalawa nilang anak. Dahil sa pangyayaring ito.......ewan ko kung natigil na ang giyera.
Ang impluwensyang tinutukoy ko ay ang PROBLEMA SA PAMILYA.
4) PAGIGING SOBRANG HIGPIT NG MGA MAGULANG. Ito ay isa sa mga kadalasang sanhi kung bakit minsan ay nagagawang magrebelde ng isang anak. Sabi nga ng isa sa mga naging titser ko "Habang pinipigil lalong nanggigigil."
Kung inyong mapapansin, karamihan sa mag "teens" na maagang nakikipagrelasyon ay yung merong mga magulang na sobra kung maghigpit sa mga anak. Kung sino naman yung pinipilit ng mga magulang na makipagrelasyon, sila naman yung ayaw. Sabi nga "Kontra-tiyempo". TIP: kung ayaw n'yong magkaroon ng BF o GF ang inyong anak, wag maghigpit ng sobra ok??? hehe
At dyan nagtatapos ang aking paghihirap sa pagtukoy ng mga impluwensyang yan...
P.S. Hindi ako mahilig magsulat, nagawa ko'to dahil kailangan, kaya kung hindi ka nasiyahan sa pagbabasa nito, sorry pero wala k a nang magagawa, nabasa mo na eh..



Dividers


Siya na lang ang gusto kong i-date

Dumating na ako sa point na napagod na ako sa phase na date lang ng date, go lang ng go sago pati gulaman. Nakakatawa, nakilala ko lang siya kagabi. Kagabi lang kami nagkasama. Pero hindi ko pa naman siya mahal. Gets nyo naman siguro ang ibig kong sabihin.

Ngayon lang ulit ako naka-meet ng kagaya nya. Hindi ko alam kung paano ko ieexplain. Pero iba kasi yung dating ng kapag kasama mo ang isang tao, na tipong kahit yun pa lang ang unang beses na kayo'y nagkita, ay kapalagayang-loob mo kaagad. Kumbaga, komportable.

Yung nauna ko kasing dinate, medyo komplikado siyang tao. Mabait siya kung sa mabait. Pareho din kami ng mga interes (babae.. duh... obvious ba?... este pagbabasa pala dahil nga obvious na ang aking nabanggit). Pero basta, parang masyado siyang komplikado. Ganun lang. Pero naging okay naman kaming magkaibigan.

Yung date ko kagabi. Hindi ko alam kung matatawag siyang date dahil medyo naging mabilis ang mga pangyayari (kung narinig mo na ang salitang spontaneous... yun nga ang tinutumbok ng usapang ito). Tipong mapapadpad ako sa ganitong lugar. Tinanong nya kung anong oras ako andoon. Sabi ko ganito ganitech. But wait!!! Siyempre namatayan pa siya ng telepono nong tinawagan ko siya ulit dahil tinatanong ko kung asan na siya. Akala ko nga non di na kami magkikita dahil doon. Uuwi na sana ako sa bahay dahil mag-isa lang ako sa paborito kong tambayan. Pero kahit namatayan siya ng telepono, ay nagkita pa rin kami. Ganito lang yan mga marehhhh... "Kung na-empty batt, may charger naman" At ganun nga ang ginawa niya. Hehehe! Buti naman. Siyempre ako naman si antay. Hindi naman ako nainip. Kasama ko naman ang bespren kong hindi humihinga ngunit nakakapagbigay ng epekto sa baga. Alam nyo na siguro kung sino siya. Siya si Winston. Pero minsan, masgusto niyang tawagin siya sa pangalang Marlboro.

Basta masaya ako na kasama siya. Komportable agad ako na kasama siya. Ni hindi man lang ako nailang sa kanya. Minsan kasi kapag may bago akong nakikilala o kaya minsan ay may dinidate ako ay hindi ako komportable. Tipong komportable ako na hawakan ang kanyang kamay, at yakapin siya (walang halong kamanyakan toh I swear!-- okay iniisip nyo na defensive ako noh.. pero hindi ako defensive.. dinidetail ko lang.. hehe). Ngayon lang ako nakangiti ulit ng ganito. Yung nadarama ko talaga na masaya ako. Typical na kasi sa akin na makita akong nakangiti. Kapag hindi ako nakangiti, magtaka ka na. Baka cloned na ako na yung kaharap mo.

Galing siya sa break-up. Hindi rin naman ako nagmamadali eh. Tsaka haller! Kagabi lang kami nagkita noh at nakapag-usap talaga ng ilang seryosong usapan. Kelangan pa naming magkakilanlang mabuti (aba siyempre). Ako kasi ayoko na rin yung magbibreak dahil sa napakababaw na rason o kaya naman dahil sadyang mapaglaro lang sila.

Eto na muna. Abangan ang susunod na kabanata...


Dividers

uhmm...maganda nman ang mga isinulat moh...actually agree akoh sa iba sa mga un,..
ano n ang susunod n kabanata?
hehe

enjaye_15@yahoo.com

Post a Comment