« Home | Water dropsLeaves fallWind blowI breath on and onM... » | ePEKTO!!!!! » | naIMPLUWENSYAhan ka na ba???! »

Teenage Love Story


Dividers


Ito ay isang istorya tungkol sa pagmamahaln ng dalawang teenagers na nagdaan sa maraming pagsubok sa pagtahak nila sa landas ng pag-ibig. Makakayanan kaya nila ito?

Magkakalse sila Missy at Yuan ngunit hindi sila close sa kadahilanang, ilang sila sa isa’t isa.

Nag-uusap sila Missy at Candy sa canteen….

Candy: Natapos mo na ba yung assignment natin sa Soc Sci?
Missy: Oo, kagabi pa.
Candy: Pakitulungan mo naman ako, hindi ko kasi maintindihan eh.
Missy: Sure, ‘kaw pa!

Natigilan si Missy nang Makita niya si Yuan na paparating kasama ang barkada nito.
Candy: Sabihin mo nga sakin, may gusto kay Yuan noh?...
Missy: W-wala noh! Ano ka ba…

Biglang nilingon ni Candy si Yuan at nakita niya na nakatitig ito sa kaibigan niya.
Candy: Wag mo nang i-deny, at sa tingin ko, my gusto din siya sayo.
Missy: Paano mo naman nasabi?
Candy: Tignana mo kasi, hayun o, titig na titig sayo.
Missy: Hindi sa akin nakatitig yun.
Candy: Paano mo naman nalaman, eh halos pilipit na yang leeg mo para lang hindi mahagip ng paningin mo si yuan.
Missy: Alis na nga tayo!
Candy: Uuuyy…
Missy: Tigilan mo ko ha!

At nang palabas na sila ay kinantyawan si Yuan ng barkada nito.
James: Yuan! Si Missy o!
Yuan: And so?
Lloyd: Wag ka nang magkunwari, halata ka naman eh.
Yuan: Ewan ko sa inyo!

Nag-uusap parin ang magbabarkada hanggang makalabas sila Missy at narinig ng dalawa ang usapang iyon.

Sa klase, nagsimula nang mag-discuss ang scince teacher nila Yuan tungkol sa kanilang project.
Ms. Mendoza: Class magkakaroon kayo ng investigatory project and it will be by pair and I will now announce kung sino ang magkakapartner. First pair, Missy and Yuan

At nagsimulang magreact ang buong klase na tila ba kinikilig.

Ms Mendoza: Bakit? May problema ba?
Missy: Ma’am, wala po.
Ms. Mendoza: Okay lang ba na kayo ang magkapartner?
Yuan: Ayus lang po Ma’am.
Ms. Mendoza: So, itutuloy ko na.

At ipinagpatuloy na nga ng guro ang pag-aannounce ng mga pares para sa project. Pagkatapos ng klase, uwian na, naglalakad sila Candy at Missy palbas ng Campus.

Candy: Yiii.. Kamusta naman yun, kayo pa magpartner sa project. Ano ‘to destiny?
Missy: Candy, Exagerated ka na jan, at gaya ng sinabi mo, project lang yun.
Candy: Bakit ba hindi mo pa aminin na may gusto ka sa kanya.
Missy: ang kulit mo!
Candy: Ikaw ang makulit! Halata naman ng lahat na may gusto kayo sa isa’t isa.
Missy: Halata ng lahat?
Candy: See! Nang galing na mismo sa sarili mong bibig. E di may gusto ka sa kanya!
Missy: Oo na! may gusto ako sa kanya! Satisfied?! Tsaka masama ba?
Candy: Ah… parang medyo?..
Missy: Huh?!
Candy: ayun o..

Sabay turo kay yuan na nag-aabang sa tapat ng puno. Nagulat sila na papalapit sa kanila ang lalaki.
Yuan: Missy, ahm.. pwede ko bang makuha ang number mo? Para maitext kita tungkol sa project natin.
Missy:S-sure! D-didictate ko na lang… ahm.. 09xxxxxxxxx
Yuan: Okay! Salamat! Bye!
Missy: Bye!

Nakauwi na si Missy sa bahay nila. Pagkadating niya ay nagayos siya agad at ginawa ang mga bagay na dapat niyang gawin. Nang tignan niya ang cellphone ay nakita nito na my message siya. At ang tignan niya ang text ay galing ito kay Yuan, natatanong ito tungkol sa project nila. Nagreply naman si Missy at nagging kompotable na silang makipagtext sa isa’t isa. Hanggang sa pagtulog ni Missy ay inaalala niya ang piang-uaspan nila sa text at nakadama siya ng kakaibang pakiramdam na hindi niya maintindihan pero gusto niya ang pakiramdam na iyon. Masaya siya sa hindi niya matukoy na dahilan. Ganoon din si Yuan. Pag-ibig na kaya ito?


Kinabukasan, katatapos lang ng ikatlong subject nila sa umaga at break nila.
Nag-uusap sila Yuan at ang barkada nito…
Henry: Yuan, bakit ba hindi mo pa ligawan si Missy?
Yuan: Eh, Bakit ba, ako na naman ang topic dito?
James: Eh kasi, ikaw na lang ang walang girlfriend sa barkada. Hindi mo ba napapansin?
Lloyd: ligawan mo na kasi, sige, idedare kita, kailangan girlfriend mo na si Missy sa loob ng isang buwan.
Yuan: Guys! Don’t be so childish!
Jm: This is not a childish thing kid! Fourth year ka na tol!
Yuan: Well, hindi ako payag sa dare nyo na yan.
James: you have no choice bro, it’s either you’re a looser or a gay.
Yuan: Fine! Payag na ko!

Kinabukasan, Sabado, gagawa si Yuan at Missy ng project sa isang farm.

Yuan: Bakit ito ang nais mong topic sa project natin?
Missy: Bakit? Ayaw mo ba? Palitan na lang natin hangga’t maaga.
Yuan: wala naman akong ibig sabihin sa sinabi ko. Nagtatanong lang ako kung bakit.
Missy: Kala ko gusto mo ng palitan eh.
Yuan: Galit ka ba?
Missy: Hindi. Bakit naman ako magagalit?
Yuan: Baka kasi naoffend kita sa sinabi ko kanina.
Missy: hindi.
Yuan: Ah… Missy..
Missy: Ano yun?
Yuan: Wala. Never mind.
Missy: ano nga yun? Sige ka, magagalit ako sayo.
Yuan: eh baka nga magalit ka sa sasabihin ko.
Missy: paano ko malalaman kung mgagalit ako sa sasabihin mo kung hindi mo sasabihin?
Yuan: Missy..
Missy: Yuan..
Yuan: wag na!
Missy: wag na tayong tumuloy! Nakakaasar ka!
Naglalakad na si Missy pabalik ng pigilan sya ni Yuan.
Yuan: Missy, I Love You!
Missy: Ano?!
Yuan: Mahal kita, pwede ba kitang ligawan?
Hindi makapagsalita si Missy.
Yuan: pwede ba kitang ligawan?
Hindi pa rin makapagsalita si Missy.
Yuan: Sabi nila, silence means yes, so I’m taking yes as an answer.
Missy: I….I..
Yuan: Hindi ka na pwedeng tumanggi, kasi liligawan parin kita kahit ilang beses ka pang humindi.
Missy: Okay.. You win..
Yuan: Thank you for giving me a chance to prove to you that I really love you.


Nagpatuloy sa panliligaw si Yuan kay Missy ngunit na pansin ni Missy na hindi na nagkoconcentrate si Yuan sa pag-aaral nito.

Missy: Yuan, Napapabayaan mo na ang pag-aaral mo.
Hindi kumikibo ang binata.
Missy: Kung hindi ka mag-iimprove, mapipilitan ako na lumayo sayo, kasi parang ako yung dahilan kung bakit ka nagkakaganyan.
Yuan: No! hindi ikaw ang dahilan. Kung iyan ang gusto mo, gagawin ko. Wag ka lang lumayo sa akin.
Missy: Ganito na lang, tutulungan kita na mag-aral. Pero kung wala paring nangyari, gagawin ko talaga yung sinabi ko kanina.
Yuan: Okay. Pagbubutihan ko talaga. I promise.
Missy: Don’t promise, just do it.

Tinulungan nga ni Missy si Yuan na mag-aaral. Hanggang sa dumating na araw ng second quartetly exam. Magkasamang nagreview si Missy at si Yuan.

Pagkaraan ng ilang araw, ipinamigay na ang mga test papers. Pasado si Missy pero malungkot ang mukha ni Yuan. Uwian na, plano ni Missy na kausapin si Yuan pero mabilis itong nawala sa classroom. Hinanap niya ito.

Missy: James, na saan si Yuan?
James: Di ba kasama mo?
Missy: itatanong ko ba sayo kung kasama ko?
James: Easy ka lang… Baka nandoon siya sa may puno. Doon siyalagi nag-iistay pag depress siya.
Missy: O sige, thanks!

At pinuntahan nga nito ang lugar. Laking tuwa niya ngmakita nga doon si Yuan.

Missy: Yuan, Ayos ka lang ba? Bakit Bigla kang nawala?
Yuan: Missy…. I’m sorry
Missy: bakit ka nagsosorry? Ano ba ang nangyari?
Yuan: I’m sorry, I failed..
At iniabot ang isang test paper na may grade na 30/100.
Missy: Ayos lang yan, bawi ka na lang next time.
At inakap nito ang binata para icomfort ito.
Yuan: ayos lang sayo?
Missy: oo…
Yuan: e di mas ayos pagnakita mo ‘to?
Missy: Huh?
Binigay niYuan ang isa pang test paper, ang tunay nyang test paper na may grade na 92/100.
Missy: Pasado ka?
Yuan: Yes! And that’s because of you.
Missy: Sira ulo ka! May pa drama drama ka pa!
Yuan: Sorry na! pero kung hindi ako pumasa, payag ka parin?
Missy: Oo.
Yuan: E di, hindi ka na lalayo?
Missy: sa tingin mo ba gusto ko na lumayo sayo?
Yuan: Huh?
Missy: Hindi mo ba ma-gets? Kaya nga kita tinulungan mag-aral aksi nung una palang, ayaw ko na Malaya sayo. And naiprove mo na skin na mahal mo ko, na gagawin mo lahat para sakin.
Yuan: so, you’re saying?
Missy: I’m saying Yes.
Yuan: Yes what?..
Missy: Yes, that you’re now my boyfriend and yes that I love you too.
Yuan: Really? Baka ako naman ang jinojoke mo/
Missy: ayaw mo ba? Fine! Okay, wag na lang!
Aalis na si Missy nang pinigilan siya ni Yuan at inakap.
Yuan: Missy, I love you, salamat sa lahat, Mahal na mahal kita.

Nung nalaman ng barkada ni Yuan na sila na ni Missy ay nagkasayahan sila at nagkaroon ng celebration.

James: At last! Kayo na!
Lloyd: Syempre gusto lang mapatunayan ni Yuan na hindi sya looser at mas lalong hindi sisy bading.
Yuan: Bakit? Akala nyo ba bakla ako?
Henry: Hindi naman pare, medyo lang!
Yuan: Sira Ulo!
Jm: Joke lang yun tol.
Walang kamalay malay ang grupo na padting si Missy.
Lloyd: Ang dali naman pa lang mapasagot niyang si Missy.
Jm: kailan mo ba balak makipagbreak sa kanya.
James: Dalawang lingo lang itatagal nyo.
Sa narinig ni Missy ay hindi na siya tumuloy at bigla ng umalis ng hindi na sinsaksihan ang ilang pangyayari. Nagwala si Yuan dahil sa mga sinabi ng mga kabarkada.
Yuan: Mga gago kayo! Kung akala nyo na katulad nyo ko, Pwes! Mali kayo! Mahal ko si Missy at hindi ko siya paglalaruan.Henry: Wag ka nang magmalinis! Birds of the same feather flock together! Ang mga babae, laruan lang yan!
Hindi na nakapagpigil si Yuan at nasapak si Henry. Madali namang pinigilan ng ilan ang dalawang nagsususntukan.
Henry: Hayop ka! Mula ngayon, hindi ka na naming kaibigan!
Yuan: Mas hayop ka! Mas mabuti ngang ganon! Ayokong maging kaibigan ang mga tuilad nyong walang kwenta!




Kinabukasan, Hindi pinapansin ni Missy si Yuan na ipinagtaka naman ng binata.
Yuan: Missy! Bakit ayaw mo akong kausapin?
Hindi napigilan ni Missy ang sarili at nasampal nito ang kasintahan.
Missy: I hate you! Hindi ako laruan! And isa lang akong dare sayo. How could you do this to me?!
Yuan: Nagpunta ka kagabi?
Missy: I doesn’t matter, laruan mo lang naman ako di ba?
Yuan: Missy, let me explain!
Missy: I hate you!
At tuluyan nag umalis si Missy na hindi man lamang pinapakinggan ang paliwanag ni Yuan.

Tumatakbo si Missy ng makasalubong niya ang barkada ni Yuan.
Henry: Bakit ka umiiyak Missy? Nagbreak na ba kayo ni Yuan?
Hindi sumagot si Missy.
Henry: Buti nga sa kanya. Alam mo ba gusto akong gumanti sa kanya, kasi sya ang gumawa nito sakin.
At itinuro nito ang pasa sa mukha na dulot ng suntok ni Yuan. Wala paring kibo si Missy at nakatitig lamang sa mga ito.
Henry: At ikaw ang gagamitin ko para gumati sa kanya.
Nagsimulang lumakad si Henry at nakaramdam na si Missy nang pagkatakot kaya nagsimula nag kumilos ang kanyang paa at humakbang patalikod.
Henry: ikaw ang dahilan kung bakit kami magkaaway ngayon. Pinagtanggol kanya sa amin. Dahil lang sa isang walang kwentang babaeng katulad mo. Nasapak ako ng ganito. Kaya ngayon, makakaganti na ako.
Sa sobrang takot ni Missy ay napasigaw ito at nagtangka nang tumakbo ngunit hinila siya ni Henry papalapit sa kanya at hahalikan na nito. Ngunit dumating si Yuan at dagling hinila ang kasintahan sa dating kaibigang walang hiya. Nasapak ulit ni Yuan si Henry at nang pagtutulungan na siya ng iba pang dating kabarkada ay saktong dumating ang school guard at napigilan ang isang malaking gulo.

Inihatid ni Yuan si Missy sa bahay nito.Missy: Im so sorry.
Yuan: Ako dapat ang magsorry kasi dapat sinabi ko sayo yun dati pa.
Missy: Dapat pinakinggan muna kita. I’m so sorry, I’m really sorry
Inakap ni Yuan ang kasintahan upang maibsan kahit kaunti ang nadaramang kalungkutan.
Yuan: Ssshh… tama na yan, tapos na yon kalimutan na natin.
Missy: I love you Yuan.
Yuan: I love you too. Sige na pasok ka na sa loob.

Pumasok na nga sa loob ng bahay si Missy ngunit mayroon na naman syang kakaharapin na problema.

Mrs. Garcia: Missy, we have to talk.
Missy: Mommy!
Humalik muna ito sa ina bago umupo sa sofa.
Mrs. Garcia: May dapat ka bang sabihin sa akin?
Missy: Po? Wala naman po.
Mrs. Garcia: Wag ka nang magsinungaling sa akin. There’s nothing wrong kung may boyfriend ka na, besides malaki ka na.
Missy: Ma, ayos lang po sa inyo?
Mrs. Garcia: Syempre, as long as nagagwa mo pa rin ang mga responsibilities mo.
Missy: Thank you Ma.
Mrs, Garcia: Kailan mo ba siya ipapakilala sa amin ng daddy mo?
Missy: As soon as possible Ma. Ma, Hindi ba magagalit si Daddy?
Mrs. Garcia: Don’t worry, everything will be fine.

Nagkaroon na nga nang pagkakataon na makilala ni Yuan ang pamily ni Missy. Naging maayos naman ang lahat at pabor ang lahat sa relasyon ng dalawa hangga’t nagagawa nila ang mga dapat nilang gawin at pagbutihan ang kanilang pag-aaral. Naipakilala na rin ni Yuan si Missy sa pamilya nito.

Pagkaraan ng ilang buwan, Graduation na. Ngunit bago pa man mag-graduation ay nagka-ayos na sila Yuan at ang barkada nito at ang naging boyfriend naman ni Candy ay si Henry. Pinaplano nila Yuan at Missy an pumasok sa iisang University. Nangako sila sa isa’t isa na kakayanin nila ang lahat ng problema basta may tiwala at pagmamahal sila sa isa’t isa.

The End.

nice ang ganda naman ng story ng teenage love story...
real life???
nainspire tuloy ako,
lalagay ko na rin ung mga gawa kong atory sa blog koh..
hehehe...

kip up the gud work! (",)

Post a Comment